top of page
Search
BULGAR

Ayon sa mga eksperto... PAGKAIN NANG KASAMA ANG PAMILYA, GOOD SA HEALTH!

ANG pagkain kasabay ang inyong pamilya ay hindi basta bonding o quality time lamang. Knows ba ninyo na mayroon din itong health benefits lalo na sa mga kabataan?

Ows?

Isang pag-aaral sa U.S. ang nagsagawa ng survey sa 2,000 kabataan na nasa edad 14 hanggang 24. Ang nasabing survey ay naka-focus sa diet at family func­tioning models.

Napag-alaman ng mga researcher na ang mga kabataan na madalas sumasabay sa kanilang pamilya tuwing kakain ay kadalasang kumakain ng masusus­tansiyang pagkain. Ito ay dahil kapag ang magulang ang naghahanda ng pagkain at kasabay nila sa hapag-kainan ay naiimpluwensiyahan ang mga ito na kumain ng mga gulay at prutas.

Ayon sa mga eksperto, nakasanayan umano ang pag-te-take out ng pagkain dahil bukod sa hindi na kaila­ngan magluto, tipid din ito sa oras.

Bagama’t convenient ito, hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang madalas na pagte-takeout ng pagkain dahil hindi naman alam ng mga bumibili kung ano ang mga sangkap na ginamit dito at kung may sustansiya bang makukuha mula rito.

Kaya ang payo ng mga eksperto, kung gusto ninyong lumaki ang inyong mga bagets nang malusog, ugaliing personal na maghanda ng inyong kakainin at sabayan sila sa hapag-kainan upang masanay silang kumain ng masusustansiyang pagkain.

Oh, ayan mga mamshie, alam n’yo na ang gagawin, ha?

Stay healthy! Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page