ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board member Aileen Lizada bilang bagong commissioner ng Civil Service Commission (CSC).
Inilabas kahapon ang apppointment paper ni Lizada na may petsang November 9, 2018 na nilagdaan ni Pangulong Duterte.
Nakatakdang palitan ni Lizada si Robert Martinez na kasalukuyang commissioner ng CSC.
Maninilbihan si Lizada hanggang February 2025.
Matatandaang, kontra ang mga pananaw ni Lizada sa mga desisyon ni LTFRB Chairman Martin Delgra kung saan may mga pagkakataon pa na sa desisyon ng ahensiya ay hindi nakapirma si Lizada dahil tutol siya sa nagiging desisyon nito.