Kaya ‘wag mo na raw initin ‘yan, lodi! KANING LAMIG, MAS MABABA ANG CALORIES!
- BULGAR
- Nov 29, 2018
- 1 min read

MASARAP naman talagang kumain ng kanin kung mainit-init pa ito, pero knows ba ninyo na mas maraming health benefits ang maibibigay ng kaning lamig?
Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga siyentipiko, natuklasan nila na ang kanin na mayroong coconut oil na inilagay sa refrigerator bago kainin ay nagkakaroon ng mababang kalorya.
Kaya kung ang kanin ay nakatataba dahil sa natural na kaloryang taglay nito, kapag naging bahaw o malamig na ito, tiyak na dehins na kayo magwo-worry sa timbang ninyo.
Samantala, ayon sa mga researcher mula sa Sri Lanka, ang kaloryang nababawas sa kanin kapag lumamig na ito ay umaabot sa 60 porsiyento, kaya kung hindi naman tayo maarte o matitiis nating kumain ng kaning lamig, mas makabubuti ito sa ating kalusugan.
Gayunman, ang strachy foods tulad ng kanin na kilala bilang carbohydrates ay isa sa mga pinagkukuhanan natin ng enerhiya.
Kaya importante talaga ito para sa lahat lalo na sa ating mga Pinoy, ngunit, knows ba ninyo na nagiging asukal ang kanin kapag na-digest na ito ng ating intestines?
‘Yun ang dahilan kung bakit maraming diabetic ang nagbabawas ng kanin na kanilang kinakain kada araw.
Dagdag pa rito, hindi magandang kumain ng mga tirang pagkain dahil matagal itong nai-stored sa ating katawan at nagiging glucose.
At ang sobrang glucose sa katawan ay nakasasama dahil ito ay nagiging taba.
Kaya para sa mga lodi natin diyan na dehins maarte at gusto nang magbawas ng timbang, kaning lamig na lang ang kainin ninyo para less hassle. He-he-he!
Gets mo?