top of page
Search
Vyne Reyes

Wiretapping vs. droga, kudeta at korupsiyon, lusot


APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang nag-aamyenda sa Anti-Wiretapping Law o ang Republic Act 4200.

Walang pagtutol na pinagtibay sa plenaryo ng 216 na kongresista ang House Bill 8378.

Sa ilalim ng panukala, mas marami na ang krimen na maisasailalim sa wiretapping ng mga awtoridad dahil maihahanay na ito sa itinakdang mga exemption.

Sandaling maging batas, pupuwede na ang wiretapping sa mabibigat na krimen tulad ng kudeta, robbery in band, anti-piracy at anti-highway robbery law, gayundin ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maging ang mga tiwali sa gobyerno, mga sangkot sa money laundering at syndicated illegal recruitment ay maaari nang tiktikan.

Gayunman, binibigyang-diin sa panukala na kailangang may court order bago maisagawa ng mga awtoridad ang wiretapping.

Sa kasalukuyang batas, pinapayagan lamang ang wiretapping alinsunod sa court order para sa mga kasong may kinalaman sa seguridad ng bansa tulad ng treason, espionage, panunulsol ng giyera, rebelyon at terorismo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page