HINDI sakop ng suggested retail price (SRP) ang mga branded na tinapay.
Ito ang paglilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.
Ang pahayag ng naturang ahensiya ay bunsod ng reklamo ng ilang consumers kung saan ilan buwan ding na-hold ang pagpapatupad ng price hike sa mga branded na tinapay.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang pangkaraniwang tinapay o ang tatak Pinoy tasty bread lamang ang sakop ng SRP.
Matatandaang, magpapatupad ng price hike ng halagang P1 hanggang P2 ang mga manufacturer ng mga branded na tinapay.
Aniya, bunsod sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap na ginagamit dito tulad ng harina at asukal.
Nabatid na ilang consumers ang nagrereklamo sa nakatakdang price hike ng mga branded na tinapay.