top of page

Epekto ng pang-aabuso sa kabataan, bantayan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2018
  • 2 min read

PATULOY na pinagtutuunan ng pansin ng sektor ng edukasyon sa ating bansa ang paki­kipaglaban sa problema sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso, lalo na sa mga kabataan.

Pisikal man o emosyunal na pang-aabuso, nangangahulugan ito ng kapabayaan, kalupitan at pang-aapi.

Ito ay ang anumang klase ng kilos, pananalita na nakapagpapababa o nakapagpapahina sa dignidad ng isang tao.

Kadalasan, sila ang mga hindi napagkaka­looban ng sapat na pangangailangan tulad ng pagkain, tahanan, edukasyon, mabuting panga­ngatawan, pag-aaruga at higit sa lahat ang pag­mamahal.

Ilan sa mga epekto ng pang-aabuso sa bata ay ang mga sumusunod:

  • Bumababa ang pagtitiwala sa sarili.

  • Nawawalan ng tiwala sa kapwa na nagre­resulta sa hindi maayos na pakikitungo sa iba.

  • Walang pagpapahalaga sa mental at pisikal na kalusugan.

  • Maaaring umabot sa paggamit ng droga, maagang pakikipagtalik, pakikipag-away at paglabag sa mga batas o regulasyon.

  • Iba’t ibang problema na kanilang madadala hanggang sa pagtanda.

Base sa pag-aaral noong 2009 ng Council for the Welfare of Children sa pakikipagtulu­ngan sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) Philippines, narito ang detalye ng karahasan, pisikal, berbal at sek­suwal na pang-aabuso na natatanggap ng mga batang mag-aaral sa siyudad mula sa kanilang mga kamag-aral, teacher at school personnel:

Verbal abuse mula sa mga kamag-aral:

  • 73.58% - Grades 4 to 6 students.

  • 78.36% - high school students.

Nakatatanggap ng pisikal na pang-aabuso mula sa guro:

  • 3 sa 10 estudyante mula Grade 1 hanggang 3.

  • 5 sa 10 high school students.

Bilang pagtugon sa mga ulat na ito ay pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang zero tolerance policy kung saan maaaring mag-report ang mga estudyanteng naaabuso sa punong guro o schools division superin­tendent para maimbestigahan ang nangyari.

Kailangan ding magkaroon ng kamalayan ang mga magulang, public at private school teacher sa nilalaman ng DepEd Child Protec­tion Policy para malaman ang mga karapatan, responsibilidad at regulasyon ng eskuwelahan upang makamit ang respeto, tamang pag-uugali at proteksiyon sa bawat mag-aaral habang nasa loob sila ng paaralan.

Gayundin, napakahalagang mapaalalaha­nan ang lahat na pinoprotektahan ng ating Konstitusyon ang lahat ng uri ng kapabayaan, pang-aabuso, kalupitan, pagsasamantala at anu­­mang nakahahadlang sa karapatang-pan­tao ng kabataan.

Ang lumalawak na pang-aabuso sa mga estudyante ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman sa mga polisiya nito.

Marami ang natatakot na magsumbong sa mga kinauukulan dahil takot sa maaaring kahi­natnan nito.

Gayundin, maaaring hindi nila alam ang kanilang mga kapasidad at karapatan kaya hindi ito agad nasosolusyunan.

Kaya sa pamamagitan ng patuloy na pagsa­sagawa ng mga in-service training at seminar na tumatalakay sa ganitong usapin, tataas ang kamalayan at kumpiyansa ng mga guro, maging ang mga magulang na hihimok sa kanila na ipaglaban ang karapatan at seguridad ng kani­lang mga mag-aaral.

Higit sa lahat, sa pagsugpo sa anumang pang-aabuso ay kinakailangan ng partisipas­yon at koordinasyon ng mga magulang, guro, paaralan at gobyerno.

Pagtulung-tulungan nating makamit ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page