top of page
Search
Jeff Tumbado

Nang-agaw ng baril | RAPIST, TODAS SA PRESINTO


ISANG 37-anyos na tricycle driver na inakusa­hang nang-rape sa tatlong taong gulang na babae ang nasawi matapos mabaril ng pulis na kanyang ina­gawan ng baril sa loob mis­mo ng presinto sa Cabana­tuan City.

Dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang ti­namo ng suspek na si Ariel Vicquerra.

Ayon kay Cabanatuan City Police Chief Supt. Pon­ciano Zafra, bigla na lamang umanong inagaw ni Vic­querra ang service firearm ni PO1 Edward Azurin alas-4:40 ng hapon habang isi­nasailalim sa booking proce­dure sa loob mismo ng war­rant section.

Dito nakakuha umano ng pagkakataon ang suspek nang tanggalan ito ng posas ni Azurin at doon nagkaroon ng komosyon na human­tong sa pagkakapaslang sa sus­pek.

Naisugod pa ang suspek sa Paulino J. Garcia Me­morial Research and Medical Center subalit, idineklara itong dead-on-arrival.

Una rito, dinakip ng pulisya si Vicquerra sa Sta. Ana, Pampanga nitong Hu­webes dahil siya ang huling nakitang kasama ng biktima noong Nobyembre 13 at ha­linhinang ginahasa sa bahay nito.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page