MASARAP talagang mamuhay sa probinsiya kung saan dito rin natin natutunan ang kumain nang nakakamay. Pero, knows ba ninyong bukod sa napakakomportable nitong gawin ay may health benefits din itong naibibigay sa atin? Wow!
Sa panahon ngayon, ilan na lang ang nakakamay kung kumain dahil marami sa atin ang nakaugalian nang gumamit ng kutsara at tinidor dahil sa paniniwalang ito ang mas tamang gawin. Pero, minsan, hindi pa rin natin maiiwasan ang mga dating nakaugalian lalo na kung ang nakahain sa hapag- kainan ay isda at itlog na maalat na may kamatis.
Gayunman, bukod umano sa napakakomportable nitong gawin, maraming health benefits din ang maibibigay nito sa atin.
Kung saan ayon sa mga eksperto, ang pagkain umano nang nakakamay ay nakatutulong sa daloy ng ating dugo dahil sa ating excessive movement.
Gayundin, ito ay nakape-prevent ng Type 2 diabetes dahil ayon sa pag-aaral na nai-published sa Journal Clinical Nutrition, nakati-trigger daw ng diabetes kapag mabilis tayong kumain na dulot ng paggamit ng utensils.
Samantala, kung desperada na talaga kayong pumayat, mga beshy, try n‘yo rin ito dahil ayon sa pag-aaral, kapag kumakain daw tayo gamit ang ating mga kamay, nakapo-promote ito ng sense of fullness kaya naman masasabi itong nakakapayat.
Pero, ang paalala ng mga eksperto, palaging maghugas ng mga kamay bago kumain.
Oh, ayan, mga beshy, tipid ka na sa hugasin, may tsansa ka pang pumayat. He-he-he!
Always remember to eat regularly! Okay?