![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_6d45a7c6746941e4b2ab2d7c25491951~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_551,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/2551ae_6d45a7c6746941e4b2ab2d7c25491951~mv2.jpg)
MULING tataas ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre ayon sa Manila Electric Company.
Sa anunsiyo ng Meralco, ang dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ay katumbas ng konsumo ng mga konsiyumer.
Ang mga konsiyumer na may konsumong 200 kwh ay may dagdag na P22.70; 300 kwh-P34.05; 400 kwh-P45.40 at 500 kwh-P56.75.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang dagdag kada kilowatt hour sa singil sa bill para sa Nobyembre ay P0.1135 na katumbas ng P22.70 sa mga kabahayang kumokonsumo ng P200 kWh ayon sa pagkakasunud-sunod.