ni Donna Thea Topacio @Life & Style
SINGLE na ready to mingle o single na taken for granted?
Naku, kahit ano ka pa riyan, besh, basta single ka, don’t worry dahil may benefits din ang pagiging mag-isa sa buhay.
Narito ang ilang benefits na magpapatunay na oks din naman ang pagiging single.
1. YOU HAVE LEISURE TIME. Kapag single ka, magagawa mo ang kahit anong gusto mo ng walang iniisip na iba. Hindi tulad ng mga taken, kailangan pang mag-update sa kanilang mga dyowa, ‘yung iba pa may curfew. Iyak!
2. ENHANCES PSYCHOLOGICAL GROWTH. At dahil nga single ka, puwedeng-puwede kang makipag-usap sa iba, gayundin puwede ka sa kanilang makipagkita anytime and anywhere. Daig mo pa ang araw ng kalayaan sa sobrang laya mo.
3. BOOSTS PRODUCTIVITY AND CREATIVITY. Sa oras kasi na maging masaya ka na sa pagiging single, mas gaganahan ka na sa buhay at dahil dito, mas magiging creative at productive ka na dahil may goal ka ng nais maabot sa buhay.
4. INCREASES SOCIAL CONNECTIONS. Kapag single, mas nagiging sociable ka at nagkakaroon ka ng intimate connection sa kaibigan, pamilya at mga kapatid mo.
5. IMPROVES YOUR FITNESS. Ang sabi nila, kapag nasa relasyon lumulusog kasi tumataba, pero hindi ibig sabihin nu’n ay healthy ka na. Kaya kapag single ka, may time ka ng magpapayat kasi no more gala at dates na, besh!
Kaya always remember, oks lang din maging single dahil marami rin naman itong maitutulong sa atin emotionally, physically at financially, ‘di ba? He-he-he!