top of page
Search

200 kumpanya sa bansa, sama-sama sa pagpugsa sa COVID-19 gamit ang Astrazeneca vaccine - Concepcion

BULGAR

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | January 5, 2021




Hello, Bulgarians! Matapos kumalat ang balita na aprubado na ang second batch ng orders para sa COVID-19 vaccine na AstraZeneca, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion, na ito ay naging matagumpay.


Ito ay dahil sa pagkumpirma ng Ayala Corporation ng 400,000 doses ng vaccine kasama ang iba pang kumpanya tulad ng Palawan Express (100,000 doses); Okada Manila (40,000) doses; Uratex Philippines (21,000 doses); Century Pacific Food (20,000 doses); Unioil Petroleum Philippines, Inc. (20,000 doses); Golden Arches Development Corporation (15,000 doses) at Pepsi-Cola Products Philippines, Inc. (10,000 doses). Ang dose na ito ay may base cost pa rin na $5.


Sinundan din ito ng ilang kumpanya tulad ng European Chamber of Commerce of the Philippines, British Chamber of Commerce of the Philippines, American Chamber of Commerce of the Philippines, Entrepreneurs Organization, Philippine Franchise Association, The Association of the Filipino Franchisers Inc., Philippine Ecozone Developers, Philippine Hotel Associations, Inc., and the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., at George Barcelon of PCCI.


Tinatayang nasa 200 kumpanya na sa bansa ang interesado at sinigurado na ang vaccine upang makasama sa 2nd batch. Dagdag pa ni Concepcion, open umano ito sa lahat ng negosyante kaya naman handa itong kausapin ng personal upang lubos na mapag-usapan ang parehong interest.


May ilang business entities na rin tulad ng microfinance institutions (MFIs) ang nakikipag-usap sa Go Negosyo at kay Concepcion. Isa si Allan Robert Sicat na Executive Director of Microfinance Council of the Philippines, Inc., ang patuloy na kumakausap at kumokonekta sa Go Negosyo at kay Concepcion.


Dahil sa pandemyang dumating ngayong 2020, maraming MSMEs ang lubos na nalugi at ang mga ito ay tinulungan ng MFIs. Patuloy silang binibigyan ng assistance mula sa institusyon.


Kaya naman, patuloy din na makikipagtulungan ang Go Negosyo at Concepcion sa mga tulad nitong negosyo. Sa katunayan, kamakailan ay nakipag-usap si Concepcion sa Philippine Retailers Association na pinamumunuan ni Rosemarie Ong, Senior Executive Vice-President at COO of Wilcon Depot.


Aniya, “I shared with them that it’s important to vaccinate all the frontliners in the retail sector, supermarkets, department stores, and malls,”


Mas maraming business ang makiisa, mas mabilis din umano ang pag-ahon ng ecosystem ng bansa. Ito rin umano ang sagot sa lahat ng tanong kung paano muling mapapalago at iikot ang pera.


“Many business organizations are wanting to be in the second part, and this could be the last. Just look at it, the cost of testing using antigen is 500 pesos, RT-PCR, 2500 pesos and up. This is 500 pesos for two doses, an offer from Astra from their zero profit program for 2021, this is the only way to accelerate our economic recovery and save lives,” dagdag ni Concepcion.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page