top of page
Search
BULGAR

20 yrs. silang nagsama ni Joed para lang daw sa sex… ROBBY: I NEVER LOVED HIM

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 29, 2024



Showbiz news
Photo: Robby Tarroza / FB

Umuwi ng Pilipinas ang dating matinee idol at producer na si Robby Tarroza mula Amerika para asikasuhin ang ilang dokumento para sa mga naiwan ng kanyang mahal na ina na sumakabilang-buhay na nu’ng Nobyembre, 2023.


Aksidenteng nagkita sina Robby at Romel Chika sa isang show at binati ng una ang huli hanggang sa inimbitahan kung puwedeng ma-interview sa vlog nito na uploaded na sa YouTube (YT).


Si Robby ay pumasok noon sa showbiz at nagsimula sa That’s Entertainment sa edad na 18, bago siya nakuha sa toothpaste commercial. Closet gay si Robby at iilan lang ang nakakaalam dahil nga matinee idol siya. Pero may nakaamoy, ang dating aktor na si Jovit Moya.


Sey ni Robby, “Kasi nilalandi n’ya ako noon, parang niligawan n’ya ako before.”

“Ang hirap kasi ‘pag sa showbiz ‘pag mag-aartista ka, may gender identity,” sambit ni Romel Chika.


“Yes, back in the 90s kasi, hindi pa masyadong accepted,” saad naman ni Robby.

At that time ay karelasyon ni Robby si Joed Serrano. Pareho silang miyembro ng That’s Entertainment at umabot sila ng 20 years pero naghiwalay nu’ng 2011.


Kuwento ni Robby ay si Joed ang nanligaw at binibigyan siya ng white roses at chocolates at umaakyat ng ligaw sa bahay niya sa Bel-Air Makati.

Ang nakatataka ay naka-dalawang dekada ang dalawa pero walang love na naramdaman si Robby?


“I don’t wanna say na nagka-in love-an kasi feeling ko kasi (mga) bata kami nu’n, eh, 19 (years old). I think it was more lust than love kasi to the day na naghiwalay kami, feeling ko talaga walang love, eh. So, parang feeling ko, the whole relationship was based on lust,” diing sabi ng dating aktor.


Nagsama raw sa iisang bubong sina Robby at Joed at palipat-lipat sila sa mga condo units na naipundar nila sa mahabang panahon ng pagsasama nila.


Nang maghiwalay ang dalawa ay walang napuntang properties kay Robby dahil iniwan niya lahat kay Joed.


“Sabi ng mommy ko, ‘‘Wag ka nang maghabol d’yan kasi it’s like you’re buying your freedom,’” say ni Robby.


Tanong ni Romel Chika, “Ibig sabihin, nakipagrelasyon ka kay Joed Serrano na ‘di ka naging masaya? Bakit kayo tumagal kung ‘di ka masaya?”


“Hindi talaga, kasi may negosyo kami (nagho-hold sa kanila), until sabi ng parents ko na, ‘Hindi mo kailangan ‘yung pera ninyo ni Joed, umalis ka na du'n.’ 


“My mom told me, ‘Leave everything behind and we’ll take care of you!’ Kaya naglakas ako ng loob to leave finally!” paliwanag nito.


Kahit na nu’ng 2011 pa sila hiwalay ay, “We got closure recently,” na ikinagulat ni Romel Chika.


“Actually, hindi pa totally closure. Marami pa kaming dapat pag-usapan about you know, he owes my family money, my mother's money and he owes me money na dapat i-settle n’ya before then we have complete closure,” pagtatapat ni Robby.


Hindi ito naibabalik ni Joed?


“I think kasi walang communication for so many years,” katwiran ng ex ni Joed Serrano.

May plano ba itong ibalik?


“Ha, ha, parang ayaw n’ya, ha, ha! Kasi ‘yun ‘yung utak na ‘Mayaman naman sila,’ which really I don’t like that to quote pero kailangan n’yang ibalik. May utang sa uncle ko, my mom, sa ‘kin last November, hindi pa n’ya nabayaran.”


Dagdag pa ni Robby, wala na rin siyang planong kunin ‘yung sa kanya, “I’m okay with it, I don’t need that money!”


Saka sinabing, “I never loved him!”


Tanong ni Romel Chika, “Eh, si Joed (mahal ka?)”


“Mahal na mahal ako n’yan,” sey nito.


Ang naging dahilan daw ni Robby kaya hindi niya natutunang mahalin si Joed, “Kasi first week pa lang namin ni Joed, nag-cheat na s’ya sa ‘kin. Merong isang direktor nagte-text sa kanya ng ‘I miss you’ ganyan. ‘Yun ang laman ng message. Alam mong may nangyayari na sa kanila? ‘Di ‘yung nanliligaw kundi (sinabing) ‘I miss this about you!’


“Nagulat lang ako may nagte-text, eh, bata pa kami nu’n, so parang playful. So (sabi ko) ‘What’s this?’


“Nakakadiri, pumatol pala s’ya sa direktor, ang cheap! So, right then, I knew I have to watch him. So all the years went by, he kept doing it pero wala talaga akong solid na evidence, so ‘yung direktor na ‘yan ang unang-unang cheat n’ya (Joed). 


“Kinausap ko over the phone, sabi ko, ‘Is there something going on with you and Joed?’ Eh, natawagan na pala s’ya ni Joed. Kaya sabi, ‘No, anak-anakan ko lang ‘yun.’ Sabi ko, ‘Okay.’”


At sa ngayon ay, “I’m married now and I’m very much in love with my husband!”


Ang tanging masasabi ni Robby for Joed, “I’m okay with him pero halimbawang magkikita kami, I’m not going to fight with him, hindi ko babastusin and I don’t say anything bad, I don’t think he will also do that to me, parang okay na tayo, wish you well.”

Samantala, natanong ni Romel Chika kung may mga nakasamaan ng loob si Robby sa showbiz at nabanggit niya si Nanay Cristy Fermin.


“Dalawa sila, the other one I think she’s dying already, so, let’s not talk about her.


“Sumama ang loob ko kay Tita Cristy. We were very, very close tapos meron akong nakaaway na isang reporter, tapos kinampihan niya ‘yun without talking to me first na to get my side what happened. So, I was very, very hurt kasi kapag ako nagmahal ng isang tao, kapag may ginawa ‘yung taong ‘yun sa ‘kin, mas masakit kasi and she’s one of them, mahal na mahal ko ‘yun, eh.


“Tapos, ginawa sa ‘kin, so, bakit mo ginawa? I don’t have any bad blood with you. I’ve never done wrong to you, tapos tinira-tira ako for two weeks straight, silang dalawa nu’ng lalaki na tinira ako for two weeks every single day. Very hard to my family to listen to, my friends to listen to, I felt I was betrayed by a friend,” esplika ni Robby.


Sabi ni Romel Chika na sana ay magkausap sila ni ‘Nay Cristy.


Tugon ni Robby, “Sana kasi my heart is open to make peace with everyone, kasi tomorrow is never promised, so, everyday is important and if I have the opportunity to make things right with the people that I’ve done wrong or they did me wrong, I welcome that with my open arms.”


“Ay, ang galing (sabay hawak ni Romel Chika sa kamay ni Robby), si Nanay, napakabait nu’n, magkakaintindihan kayo nu’n kasi alam kong naging magkaibigan kayo,” nakangiting sabi ni Romel Chika.


“Sana. I love her, I really do, I really care for her,” say ni Robby Tarroza.


Maraming nagmamahal talaga kay ‘Nay Cristy Fermin, kaya nga marami siyang anak-anakan sa labas at loob ng showbiz.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page