@Roma | June 24, 2020
Dear Roma,
Ako si Nica, 29-anyos. Noong nakaraang linggo, nag-away kami ng bestfriend ko at nadamay pati ‘yung iba pa naming mga kaibigan. Palagi siyang nakikisuyo sa nanay ko na alagaan ‘yung anak niya dahil ang buong akala namin ay rumaraket siya, pero nakita ko sa FB post niya na nakikipag-inuman o gumagala lang pala siya. Kinompronta ko agad siya, pero siya pa ang nagalit sa akin, tapos naglabas din ng sama ng loob ‘yung iba naming kaibigan tungkol sa kanya. Naglabasan ng mga dating isyu kaya nagkanda-gulu-gulo na, tapos ngayong wala siyang kakampi, naninira siya sa socmed at binalewala niya ang mahigit 20 yrs. naming pagkakaibigan. Ano ang dapat kong gawin? –Nica
Nica,
Alam mo, dumarating talaga sa punto na lumalabas ang toxic na ugali ng bawat tao. Tipong sila na ang mali, sila pa ang may ganang magalit o manira ng kapwa. ‘Wag kang manghinayang sa 20 yrs. n’yong pagkakaibigan kung ang kapalit nito ay pakikipagplastikan.
Tandaan mo, wala sa haba ng panahon ng pagsasama ang katatagan ng pagkakaibigan.
Kung naninira siya, hayaan mo lang siya dahil kung wala kang ginagawang masama, wala kang dapat ikabahala. Okie?
Comments