top of page
Search

20 yrs. kayod-kalabaw… SARAH, TODO-ENJOY SA BAKASYON SA ITALY KASAMA SI MATTEO

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 1, 2022




Mukhang hindi pa handa si Sarah Geronimo na magbalik-trabaho sa showbiz. Ini-enjoy muna nila ni Matteo Guidicelli ang pamamasyal at pagbabakasyon.


Nasa Italy sila ngayon at naglilibut-libot sa magagandang tanawin doon. Nakapanood din sila ng Opera show.


Naghihintay naman ang libu-libong fans ni Sarah G. sa kanyang pagbabalik. Mula nang magpakasal kay Matteo ang Pop Royalty noong Feb., 2020 ay nagpahinga na rin pansamantala si Sarah sa kanyang mga showbiz commitments.


Kaya naman inaabangan na ng kanyang mga loyal fans and followers ang kanyang pagbabalik. But it seems, gusto muna ni Sarah ng tahimik at simpleng buhay sa piling ng kanyang mister. Halos 20 years din siyang kumayod para sa kanyang career upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.


Ngayong nag-asawa na siya, naranasan ni Sarah ang isang malaya at masayang buhay. Hindi na niya kailangan na magpaalipin sa kanyang trabaho. Nagagawa na niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.


Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang bali-balitang babalik sa ASAP si Sarah G.. Pero, may tsika rin na may offer ang GMA Network sa kanya. Mauuna lang munang magkakaroon ng show sa GMA-7 si Matteo.


Aabangan tiyak kung saan unang aapir si Sarah kapag siya ay nagbalik-telebisyon.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page