top of page
Search

20 yrs. ang age gap, kamukha ni Pia Wurtzbach… BYUTI, SEXY AT MAS BATANG VLOGGER, IPINALIT NI VG MARK KAY KRIS

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 22, 2025



Photo: File


Bago kami umuwi nu’ng Monday night, naki-fiesta naman kami nina Joel Peña, Willie Ong (‘di po si Doc Willie, katukayo lang), Mareng Caren Martinez at co-editor naming si Maricris Nicasio sa bahay ng dating TV Patrol showbiz reporter na si Marie Lozano.

Friend ni Joel ang mommy ni Marie na si Mrs. Beth Lozano kaya na-invite kami ru’n. 


Nagulat kami na habang kumakain kami, dumating si Vice-Gov. Mark Leviste kasama ang isang byuti, sexy at bata pang girl na proud niyang ipinakilala sa amin bilang “My girlfriend, Aira Lopez.” 


Naku, siyempre, ‘di na namin pinalagpas ang chance na ma-interview sila kahit nu’ng una ay nahihiya pa itong si Aira, pero habang ini-interview ay naging kampante na rin naman.


We learned from her na Sparkle talent pala siya ng GMA-7, though baguhan pa lang siya. Pero bago nag-artista, vlogger daw siya at triathlete.


And that day na nakausap namin sina VG Mark at Aira, kaa-announce lang pala nila sa social media na 5 months na silang BF-GF!


Kaya ayun, nagpakuwento kami kung paano nag-start ang kanilang love story, na panoorin n’yo na lang sa aming BULGAR Facebook page ang kabuuan ng kuwento para mas kita n’yo ang kilig nila habang nagsasalita.


Basta ang proud na sabi ni Aira, “Age doesn’t matter” kahit pa 20 yrs. pala ang age gap nila ni VG Mark, na in fairness, mukhang bumata at pumayat ngayon, ha?


At todo-smile si VG Mark na ramdam mo ang sobrang happiness at pagka-proud sa kanyang new GF na look-alike ni Pia Wurtzbach, in fairness.


Well, sabi pa ni VG Mark, naka-move on na siya sa breakup nila ni Kris Aquino bago niya naging GF si Aira, kaya ‘di naman ito masasabing “love on the rebound”.


At siguro naman, may karapatan ding magkaroon na ng love life ang aspiring congressman dahil si Kris naman ang unang nag-announce na may boyfriend na siyang doctor, ‘di ba?


Eto lang ang ironic, ha? Alam n’yo bang sabi ni Aira, fan siya ni Kris? At bukod du’n, isa rin siyang Aquino dahil ang full name niya ay Aira Lourdes Aquino Lopez, though ‘di sila blood related ni Kris.


Isa pang trivia, bago niya naging BF si VG Mark Leviste, crush daw niya noon si James Yap na ex-husband naman ni Kris.


Ang bongga ng pagkakakonek-konek, devah?


Oh, well, basta watch n’yo na lang ang interview namin sa kanila para mas makilala n’yo pa ang ipinalit ni VG Mark kay Kris Aquino.


 

After ng term, ipapakulong lang daw…

CONGW. LANI, TODO-TUTOL TUMAKBONG PANGULO SI BONG



Proud Caviteña si Bacoor Congresswoman Lani Mercado, pero nang dumalo ito sa ginanap na Rigodon night sa Lipa, Batangas nu’ng Linggo nang gabi bago ang kapistahan ni San Sebastian kinabukasan (January 20), ipinagsigawan ng misis ni Sen. Bong Revilla, Jr. na isa rin siyang Lipeña!


Nakasama kami sa inihandang dinner nu’ng Sunday night ng owner ng Big Ben (isang malaking complex sa Lipa) na si Joel Umali Peña (chairman din ng Lipa Tourism) para kay Congw. Lani na inimbitahan para maging guest speaker sa Rigodon, kung saan ipinakilala rin ang bagong Mutya ng Lipa na si Dana Annika Ku Wong.


Ang dami naming nalaman kay Congw. Lani na bihira naming makakuwentuhan nang personal, lalo ‘pag kasama niya si Sen. Bong.


Chika sa amin ni Congw. Lani, nang imbitahan siya na maging guest speaker sa Lipa Rigodon night, yes agad ang sagot niya dahil ang roots pala niya ay sa Lodlod, Lipa, Batangas.


Marami raw lupain du’n ang kanyang pamilya at nag-donate pa nga raw ng mga lupain ang kanyang ina base sa kuwento ng kanyang pinsan na kasama rin namin sa dinner, kaya nagulat si Congw. Lani na wala naman siyang minanang lupain sa Lipa, hahaha!


Masaya raw siyang nakabalik sa Lipa at naki-celebrate sa ginanap na Rigodon. 


Habang nagkukuwentuhan sa kanyang family background, nalaman din namin sa kanya na pamangkin niya si Tirso Cruz III at magkamag-anak din sila ni Yayo Aguila. ‘Di na lang namin masyadong natandaan ang paliwanag ni Congw. Lani kung paano sila related sa isa’t isa.


Napag-usapan din ang ilang taong pananatili ni Sen. Bong sa Camp Crame, kaya nu’ng tinanong namin si Congw. Lani kung pabor pa ba siyang kumandidatong pangulo si Sen. Bong sa mga susunod na halalan, ang bilis-bilis ng sagot nitong, “Naku, tama na! Huwag na!”


Paliwanag niya, mahirap daw maging pulitiko rito sa ‘Pinas, lalo na maging presidente, dahil pagkatapos mong ibigay lahat-lahat sa bayan, idedemanda ka pa. 

Hahaha! Parang ganu’n na nga!


At knows n’yo ba kung bakit kahit 8 na ang apo ni Congw. Lani ay ang sexy pa rin niya at never tumaba?


Well, hindi pala mahilig mag-kanin ang misis ni Sen. Bong, dahil nu’ng magkakasama kami, suman lang ng Batangas, happy na siya. 

Oh, now, alam n’yo na!


Anyway, bukod kay Congw. Lani, dumalo rin sa Rigodon night ang bunso ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na si Ryan Christian. Pero dahil nagmamadaling umuwi si Ryan dahil may float parade pa pala kinabukasan, hindi na namin ito na-interview. 


First time naming nakapanood ng Rigodon sa Lipa na isa pala sa mga tradisyon nila.

Ang pamilya ng tinanghal na Mutya ng Lipa na si Dana Annika Ku Wong na may-ari ng Fiesta World Mall sa Lipa ang naging sponsor sa Rigodon since ang former councilor na si Ms. Gwendolyn K. Wong ang chairman ng Lipa Fiesta Executive Committee 2025.


 

Napayakap sa mister na si Mikee…

ALEX, NAHILO SA PARADA, MUNTIK BUMAGSAK





Dinagsa naman ng mga taga-Lipa ang Claro M. Recto Street nu’ng Lunes ng umaga para sa Grand Float Parade bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Sebastian.


Ramdam na ramdam ang kapistahan dahil sa makukulay na suot ng mga participants ng parada at naggagandahang floats ng iba’t ibang establishments sa Lipa.


Ang daming nag-abang at tuwang-tuwa ang mga Lipeño na todo-kaway at pa-selfie sa mag-asawang Luis Manzano (running as vice-governor ng Batangas) at Jessy Mendiola, Ryan Christian Recto (tumatakbong congressman sa 6th district ng Batangas), Alex Gonzaga at Mikee Morada (vice-mayoralty aspirant), Ronnie Liang, Queenay, Christian Bables, Mentorque producer Bryan Dy, at senatorial candidate Camille Villar, kasama ang iba pang local candidates para sa coming elections.


Hindi nakasama sa parada ang idol naming si Ate Vi kaya na-miss namin itong makita, pero kung dumating siguro siya, mas nagkagulo ang mga tao.


Si Alex Gonzaga nga, nang umakyat sa stage para bumati ng “Happy Fiesta” sa mga Lipeño, muntik mag-collapse sa init kaya nakita naming napayakap kay Konsehal Mikee at maya-maya ay ibinababa na ng stage dahil putlang-putla na ito at nahihilo. 


Pero nilinaw ng road manager niyang si JC Baguio na hindi pa buntis si Alex kaya nahilo, ha? Kulang lang daw ito sa tulog at mainit nga kasi nu’ng umagang ‘yun.


After ng parade, nagsimba kami sa San Sebastian Cathedral at nakita rin namin du’n sina Luis, Ryan Christian at iba pang pulitiko na nagsimba rin. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page