ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 30, 2021
Masaya raw si Faith da Silva sa relasyon nila ni Albert Martinez.
Sabi ng young Kapuso actress, "Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support and guide me.
"Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na 'yung side na 'yun of him ay nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor ay ganu'n makitungo.
"Ito 'yung relationship namin sa ngayon, komportable kami sa isa't isa. The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think 'yun ang mas importante."
Forty years ang agwat ng edad nila ni Albert dahil 20 years old lang si Faith.
But who cares. Sabi nga, age is just a number… just a word.
"Regardless of age, kahit anong bagay 'yan, basta mahal ninyo ang isa't isa, wala kayong tinatapakang tao, eh, go lang 'yan," added na sey pa ni Faith.
Oo nga naman. May katwiran ang katwiran. Boom, ganern!
And for Albert, it's not yet late to fall in love again at the age of 60. Yesss, yahooooo!
May pag-asa pa si yours truly, hahaha!
Comentarios