ni Lolet Abania | January 3, 2022
Nakatakdang isara ang campaign headquarters nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr. at ng kanyang running-mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio simula Lunes matapos na ilang staffers ang nagpositibo sa test sa COVID-19, pahayag ng kanilang kampo.
Ayon sa spokesman ng dating senador na si Vic Rodriguez, iniutos ni Marcos ang pagsasara ng BBM-Sara UniTeam headquarters, “until further notice” matapos aniya, “more than 20 staff were tested positive today.”
Sinabi ni Rodriguez na nire-require sa campaign headquarters na lahat ng bisita at mga staff na sumailalim sa antigen tests ng tinatayang dalawang beses sa isang linggo upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Ayon pa sa spokesman, ang pagsasara nito ay para magbigay-daan sa disinfection.
Ani rin Rodriguez na si Marcos, “also ordered the deferment of all activities of the UniTeam starting today until January 15 this year.” “However, campaign preparations and other administrative functions of the UniTeam will proceed non-stop through work-from-home arrangements and virtual meetings of the concerned staffers and campaign personnel,” saad ni Rodriguez sa isang statement.
“In this regard, all public appearances, sorties and assemblies of the BBM-Sara UniTeam will be postponed during the said period,” wika pa ni Rodriguez.
Comments