ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 1, 2024
Photo: Ang pag-search ng mga Red Cross workers matapos ang landslide sa Uganda - Irene Nakasiita / Associated Press
Umabot na sa 20 ang bilang ng nasawi sa mapaminsalang landslide sa Bulambuli district, silangang Uganda, nitong Biyernes matapos makarekober ng mas maraming bangkay at mamatay ang isang sugatang biktima sa ospital, ayon sa mga ulat.
Nagdulot ang malalakas na pag-ulan noong Miyerkules ng gabi ng landslide na sumira sa anim na baryo, naglubog sa mga bahay at sakahan.
Iniulat ng Uganda Red Cross na 125 na mga bahay ang nasira, na nagresulta sa paglikas ng 750 katao. Sa mga ito, 216 ang pansamantalang nanunuluyan sa isang lokal na paaralan.
Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad, kasama ang mga sundalo, sa mga bangkay na natabunan ng debris, ngunit nahihirapan ang operasyon dahil sa patuloy na pag-ulan at putik na sumasakop sa mga kalsada.
Comments