ni Mary Gutierrez Almirañez | April 23, 2021
Dalawampung Nursing students galing Paris ang nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 pagkarating nila sa Belgium nitong ika-12 ng Abril, batay sa kumpirmasyon ni Belgian Commissioner Pedro Facon kahapon.
Ayon sa ulat, lumabas ang resulta ng B.1.617 variant makalipas ang limang araw na pamamalagi ng mga estudyante sa Aalst, Leuven, hilagang bahagi ng Belgium, kung saan sila naka-quarantine at naka-assign para mag-training.
Ayon pa sa tweet ni Catholic University of Leuven Microbiologist Emmanuel Andre, "These students have been respecting strict isolation since their arrival. Twenty of the 43 students are as of today infected by the 'Indian' variant."
Gayunman, nangangamba pa rin ang ilang eksperto sa posibilidad na naipasa ng mga ito ang virus sa ibang biyahero na nakasabay sa biyahe at maaaring makapagdulot ng mabilis na hawahan.
Sa ngayon ay patuloy ang contact tracing sa mga naging close contact ng 20 estudyante.
Matatandaang una na ring iniulat ang Indian COVID-19 variant sa United States, Australia, Israel at Singapore.
Samantala, kanselado muna ang mga flights galing India papuntang Canada sa loob ng 30 days upang maiwasan ang hawahan sa COVID-19.
Comments