top of page

20% discount sa mga pambansang coach at atleta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Apr. 4, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Pambansang coach ako sa Pilipinas na kinikilala ng mga ahensya ng gobyerno. Kamakailan, bumili ako ng kagamitan para sa pagsasanay ng aking pambatong atleta. Napag-alaman kong dapat akong makatanggap ng 20% diskuwento. Totoo ba ito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. Jojit


 

Dear Jojit,


Sinisikap ng ating gobyerno na itaguyod ang kahusayan sa sports sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapakanan ng mga pambansang atleta at coach na kumakatawan sa bansa sa iba’t ibang mga paligsahan. Dahil dito, ipinatupad ang Republic Act (R.A.) No. 10699 upang bigyan ng mga karapatan at insentibo ang mga national athlete at coach.


Ayon sa nasabing batas, ang mga pambansang atleta at coach ay binibigyan ng 20 porsyentong diskuwento sa iba’t ibang mga produkto at serbisyo. Ayon dito:


“SECTION 4. Benefits and Privileges for National Athletes and Coaches. – Any national athlete and coach, as defined herein and who is currently registered as such, shall be entitled to the following:


a. The grant of twenty percent (20%) discount from all establishments relative to the utilization of transportation services, hotels and other lodging establishments, restaurants and recreation centers and purchase of medicine and sports equipment anywhere in the country for the actual and exclusive use or enjoyment of the national athlete and coach; x x x


Batay sa nakasaad na batas, ang mga pambansang atleta at coach ay binibigyan ng 20% na discount sa lahat ng establisimyento para sa transportasyon, mga hotel at iba pang mga lugar ng panuluyan, mga kainan, at mga sentro ng libangan. Dagdag pa riyan ang diskuwento sa medisina at kagamitan sa sports saan man sa bansa. Ngunit, binibigyang-diin ng batas na ang nasabing discount ay para lamang sa aktuwal at eksklusibong gamit ng mga pambansang atleta at coach.


Upang sagutin ang iyong katanungan, ang lahat ng kagamitan na iyong binili ay maaaring mabigyan ng 20% discount kung ito ay para sa iyong aktuwal at eksklusibong gamit bilang isang pambansang coach o para sa pambansang atleta. 


Ayon sa Seksyon 3(c) at 3(d) ng nasabing batas, ang mga pambansang atleta at coach ay ang mga sumusunod:


SECTION 3. Definition of Terms. — For purposes of this Act, the following terms shall be defined as follows:


c. National athletes shall refer to athletes including persons with disabilities who are Filipino citizens, members of the national training pool, recognized and accredited by the Philippine Olympic Committee (POC) and the PSC, including athletes with disabilities (AWD) who are recognized and accredited by the NPC PHIL and the PSC and who have represented the country in international sports competitions; and


d. National coaches shall refer to coaches of national athletes, who are Filipino citizens, members of the national coaches training pool, recognized and accredited by the PSC and the POC, or the PSC and NPC PHIL in the case of AWD coaches who have represented the country as official coaches to national athletes in international sports competitions.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page