ni Lolet Abania | June 7, 2021
Tinatayang 15 hanggang 20 pamilya ang nawalan ng bahay matapos ang sunog sa isang residential area na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City ngayong Lunes.
Sumiklab ang apoy bandang ala-una ng madaling-araw nitong Lunes, kung saan nasa 5 hanggang 7 kabahayan sa Barangay 194, Pasay City ang natupok.
Ayon kay Kagawad Ricardo Kano Perez, inaalam pa nila ang sanhi at pinagmulan ng sunog subalit may hinala silang ito ay dahil sa away-pamilya sa isang tirahan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Nasa P300,000 ang halaga ng natupok na ari-arian, habang wala namang nasaktan sa nasabing sunog.
Comments