ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 1, 2024
Dear Chief Acosta,
Isa akong may-ari ng negosyo na nasa kategorya ng isang Barangay Micro Business Enterprise (BMBE). Nauunawaan ko naman na may batas na partikular na sumasakop para sa mga maituturing na BMBEs. Nais ko lamang malaman kung meron at anu-ano ang karampatang parusa para sa mga mapapatunayan na lumabag sa batas na may kinalaman sa BMBEs. Salamat sa inyo. -- Hen
Dear Hen,
Para sa iyong kaalaman, ang Republic Act No. 9178, o kilala sa tawag na “Barangay Micro Business Enterprises (BMBE’s) Act of 2002”, ay nagsasaad na:
“Section 3. Definition of Terms – As used in this Act, the following terms shall mean:
“Barangay Micro Business Enterprise,” hereinafter referred to as BMBE, refers to any business entity or enterprise engaged in the production, processing or manufacturing of products or commodities, including agro-processing, trading and services, whose total assets including those arising from loans but exclusive of the land on which the particular business entity's office, plant and equipment are situated, shall not be more than Three Million Pesos (P3,000,000.00) The Above definition shall be subjected to review and upward adjustment by the SMED Council, as mandated under Republic Act No. 6977, as amended by Republic Act No. 8289.”
Ang ilan sa mga incentives at benefits na ibinibigay ng nasabing batas para sa mga BMBEs ay ang mga sumusunod; a.) Exemption from Taxes and Fees b.) Exemption from the Coverage of the Minimum Wage Law c.) Credit Delivery d.) Technology Transfer, Production and Management Training, and Marketing Assistance, at e.) Trade and Investment Promotions. (Sections 7 – 11, R.A. No. 9178)
Kaugnay ng mga nabanggit, ang sagot sa iyong katanungan naman ay matatagpuan sa Section 13 ng nasabing batas:
Section 13. Penalty - Any person who shall willfully violates any provision of this Act or who shall in any manner commit any act to defeat any provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than twenty-five Thousand Pesos (P25,000.00) but not more than Fifty Thousand Pesos (P50,000.00) and suffer imprisonment of not less than six (6) months but not more than two (2) years.
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang sinuman na mapapatunayan na lalabag sa kahit anong probisyon ng Republic Act No. 9178 o gumawa ng anumang akto upang hindi masunod ang nasabing batas ay mapapatawan ng parusang pagbabayad ng multang mula Twenty-Five Thousand Pesos (P25,000) hanggang Fifty Thousand Pesos (P50,000), at pagkakakulong na hindi bababa sa 6 na buwan at hindi hihigit sa 2 taon.
Ito ay upang mabigyang-diin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng batas para sa mga BMBEs, sapagkat naaayon na rin sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 9178, ang nasabing batas ay ginawa para sa polisiya ng gobyerno na pagtibayan ang economic development sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbuo at paglago ng mga BMBEs.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Commenti