2 weeks nang out sa It's Showtime… ANNE, NAG-MILITARY TRAINING
- BULGAR
- Aug 31, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 31, 2023

May sagot na si Anne Curtis kung bakit dalawang linggo na siyang absent at hindi napapanood sa It’s Showtime. Ito ay dahil busy siya sa bagong proyekto kasama si Direk Erik Matti.
“I’m working on something special with Direk Erik Matti, so that’s why I haven’t been on Showtime. I know people have been asking, ‘Nasaan ka?’, but I have been preparing and training for a special project with Erik Matti,” paliwanag ni Anne sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.
Ayon sa aktres, kinailangan daw niyang mag-stay sa military camp for two days para makita ang intense military training na pinagdaraanan ng ating mga sundalo.
“Very challenging, of course, physically and mentally. But it was great to really immerse and get the feeling on what I have to prepare, physically and mentally, for the role that I am set to do,” sabi ni Anne.
“We stayed there, two days and overnight. We woke up early; we did the obstacles early in the morning. We ran with them. Ang ating mga sir and ma’am, hello sa inyo, maraming salamat ulit sa patience ninyo,” dagdag pa niya.
And don’t worry, madlang people dahil malapit na raw siyang mapanood sa It’s Showtime.
“Malapit na. As soon as wala na akong training, babalik agad ako sa Showtime. Hinahanap na nga ako,” sey niya.
Hindi pa binanggit ni Anne kung movie ba or serye ang ginagawa nila ni Direk Matti, pero next year daw ang release nito.
Comments