top of page
Search
BULGAR

2-Weeks balik-ECQ sa Metro Manila, suportado ng mga negosyante

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | August 01, 2021



Muling ilalagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto dahil sa lumalalang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.


Mananatili muna sa General Community Quarantine (with additional heightened restrictions) ang NCR hanggang ika-5 ng Agosto bago magtransisyon patungong ECQ.


Nagpapasalamat tayo sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa kanilang mabilis na pagtugon sa panawagan ng mga eksperto at medical frontliners.


Salamat din sa sapat na panahong ibinigay para makapaghanda ang lahat sa darating na lockdown.


Alam nating mabigat ang ECQ, ngunit naniniwala ang inyong lingkod na kinakailangan itong gawin ngayon.


☻☻☻


Suportado naman ng business sector ang desisyon na ito ng IATF. Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), bagama’t hindi maganda sa ekonomiya ang lockdown, naiintindihan nila na kailangan itong gawin.


Dagdag pa nila, handang makipagtulungan ang kanilang grupo sa pamahalaan para masupil agad ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.


Samantala, sinuportahan din ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) dalawang linggong ECQ sa Metro Manila.


Tinawag nila itong “short-term sacrifice for long-term gain” dahil kung hindi mapipigilan agad ang pagkalat ng bagong variant, lalong maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.


☻☻☻


Kamakailan ay muling ni-launch ng UP Resilience Institute at UP Pandemic Response Team relaunch ang kanilang chatbot na si Yani.


Sa tulong ng chatbot, madaling mahahanap ng mga Facebook users ang mga vaccination sites, COVID-19 statistics, available hospital/ICU beds at ventilators sa kanilang lugar gamit ang Facebook Messenger.


Maaaring makipag-chat kay Yani gamit ang link na ito: m.me/YaniEndCovBot


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page