ni Angela Fernando - Trainee @News | October 23, 2023
Arestado ang dalawang Koreano na wanted sa South Korea at U.S. sa Brgy. Cuayan, Angeles City nitong Sabado, Oktubre 21.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Kwon Junyoung at Seok Jong Min, na nahuli ng mga operatiba ng fugitive search unit ng Bureau of Immigration (BI).
Pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinakaharap ni Kwon ang kasong telecommunications fraud sa bansang South Korea, samantalang si Seok ay sangkot umano sa wire fraud, money laundering, at identity theft sa bansang Texas.
Naglabas ang korte ng Suwon, South Korea nu’ng Disyembre, 2019. ng isang warrant of arrest laban kay Kwon nang mapag-alamang miyembro umano ng China-based telecom syndicate ang suspek.
Samantala, si Seok naman ay sangkot sa pamemeke at pagnanakaw ng mga personal na impormasyon at hinainan ng warrant galing U.S. district court sa Western Texas.
Deported at blacklisted na nga ang mga suspek at hindi na puwede pang bumalik ng bansa.
Comments