ni BRT | June 25, 2023
Dalawang volcanic earthquakes at 308 rockfall events at isang dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ng bulkan.
Nasa 744 tonelada ng sulfur dioxide naman ang ibinuga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
May 600 metrong taas at katamtamang pagsingaw na napadpad sa timog-kanluran ng plume ang naitala sa bulkan. Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Comments