ni Julie Bonifacio @Winner | May 3, 2024
Inilantaf na ni Garie Concepcion sa publiko ang anak nila ng singer na si Michael Pangilinan.
Almost two years na rin on hiatus si Garie from the public eye pagkatapos pumutok ang balitang buntis siya. Sumunod na news ay nakapanganak na nga si Garie pero wala pa ring diretsong pahayag mula sa kanila ni Michael.
Until nag-decide na si Garie na ipakilala ang firstborn nila ni Michael na si Danielle Amari via post sa kanyang Facebook page. Ipinost ni Garie ang apat na iba’t ibang poses ni Danielle.
Caption ni Garie sa mga pictures, “My beautiful girl. We enjoyed our private moments with you for a whole year but now it’s time to show the world our most precious gift. We thank God for your existence in our lives and we feel very blessed to see you growing up to be the silly, witty, smart and happy little girl that you are! Your smile melts many hearts! I pray that you grow up to be a kind-hearted, loving and God-fearing person. As your mother, I promise to guide you and take care of you the best way I know how. I love you more than words can describe! Happy, Happy First Birthday my dear, Danielle Amari! (in love emoji).”
Ang kyut ni Danielle at nakakatuwa dahil baby pa lang, marunong na siyang humarap sa kamera. Well, baka papasok din sa showbiz si Danielle gaya ng kanyang mga magulang at Tita KC Concepcion at Lolo Gabby Concepcion.
Very evident na mas nakuha ni Danielle ang facial features ng kanyang ama na si Michael pero baka naman may hawig din si Danielle sa kanyang Lolo Gabby.
Bukod kay Danielle, may isa pang anak si Michael kay Erin Ocampo named Ezekiel Pangilinan.
Ang ‘di pa nababalita ay kung kasal na sina Garie at Michael. Let’s wait if ire-reveal din nila ang tungkol sa kanilang kasal.
Comments