ni Angela Fernando - Trainee @News | December 5, 2023
Natukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang persons of interest sa pambobombang naganap nu'ng Disyembre 3 sa Mindanao State University sa Marawi.
Saad ni AFP spokesman Col Medel Aguilar, "Itong dalawang ito ay pinaghahanap at pinaniniwalaan na kasapi ng remnant ng isang local terrorist group na alam naman natin na nag-o-operate doon sa area na iyon."
Tumanggi siyang pangalanan ang dalawa ngunit ipinaalam na patuloy ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga sinasabing suspek sa insidente.
Aniya, nagkaroon sila ng persons of interest dahil sa koordinasyon ng school at sa mga witnesses na makakapag-describe sa mga posibleng salarin ng nangyaring pagsabog.
Binigyang-diin din ni Aguilar na hindi tinanggap ng mga awtoridad ang pahayag ng teroristang grupo ng Islamic State na sila ang may pananagutan sa pagsabog, kahit na sa pahayag ng AFP ay wala nang dayuhang teroristang grupo na nasa bansa.
Comments