ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 03, 2021
Sa wakas, natupad din ang dream wedding noon pa ni Ara Mina at umabot siya upang maging June bride!
Bonggang-bongga ang kanyang kasal na ginanap sa Baguio City. Napakaganda ni Ara Mina sa kanyang fully crystallized wedding gown na gawa ni Leo Almodal at ito'y regalo sa kanya ng kanyang mga kapatid na sina Cristine Reyes at Heidi Gatmaytan.
Puro bigatin din ang mga tumayong ninang at ninomg sa kasal nina Ara at Dave Almarinez sa pangunguna nina dating Senador Manny Villar at maybahay niyang si Sen. Cynthia Villar, Sharon Cuneta, Congresswoman Vilma Santos-Recto, Viva producer Vic Del Rosario, Dondon Monteverde, atbp..
Sosyal na sosyal ang venue ng wedding reception na napapalamutian ng mga naggagandahang bulaklak.
Ang gown na ginamit ni Ara Mina sa wedding reception ay gawa naman ni Francis Libiran.
Bongga rin ang two sets of diamond earrings na ginamit niya sa kasal at reception.
Nag-perform din si Martin Nievera at ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa reception.
Comments