top of page
Search
  • BULGAR

2 sa mga members ng SB19… KALAT NANG RELASYON NINA STELL AT PABLO, SA A'TIN NAGSIMULA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 30, 2024



Showbiz news
File Photo: SB19

Nakakatuwa ang mga fans ng SB19 dahil base sa nabasa naming reaksiyon nila sa YouTube (YT) channel ni Romel Chika kung saan mapapanood ang panayam nito kay Robby Tarroza na umaming boy crush niya si Stell pero baka raw magalit si Pablo (isa rin sa mga miyembro ng boy group), inakalang magkarelasyon ang dalawang SB19 members at sinabing huwag na itong palakihin pa.


Ang ilan sa mga nabasa naming komento ay:


“‘Wag tayo masyadong mag-react, mga ka-A’Tin. Remember, we’re watching chikahan and I don’t believe this personality is an A’TIN (fans ng SB19) so, of course, there are things he doesn’t know yet, things will turn out the way they should be. We should just be glad that people in their era also heard and acknowledged new talents in our country.”


“Yeah, minsan, kasalanan din ng mga fans, eh. Isini-ship nila ang mga boys with each other kaya napagkakamalan na sila.”


“Sana nga, i-produce sila rito sa US. I watched the F4 concert and magaling sila mag-produce.”


Ang iba naman ay winelcome si Robby bilang kaisa na nilang tagahanga ng SB19.

“Kaps, educate na lang natin. No need na i-bash kasi as we can see, hearsay lang naman ‘yun. Ngayon pa lang, welcome po sa fandom.”


“True! Nag-uusap sila and very careful sila about sa mga sinasabi nila. They don’t mean to offend.”


“Tsaka hello, ship-ship, gawa-gawa ng mga clips, tapos ‘pag may naniwalang casuals, magagalit. Sus, A’TIN. ‘Yan ang matagal ko nang kinokontra, eh, ‘yang ship-ship na ‘yan na taga-loob lang naman ng fandom nakaka-gets na kalokohan lang, pero paano ‘yung casuals, ‘di ba?"


May nagsabi ring, “Gets ko s’ya, why he thought na may something “more” special sa PabStell (Pablo at Stell). He even said 'Sila nga and nagseselos ‘yung isa.' Parang eto ‘yung sa Pagtatag finale concert na ang dami ring edits sa TikTok! As fan na sanay na at kabisado na ang shipping culture at pati na rin personality ng mga boys, well, we understand what’s really happening, pero if casual ka, paano mo nga naman ii-interpret ‘yun? Siyempre, iisipin mo kung ano'ng  nakikita mo, ‘yun na ‘yun! Sa isang banda naman, nakakatuwa lang na nakilala na ang SB19 boys dahil sa talent nila!”


“Pablo and Stell are not real couples, it’s only “shipping” inside a fandom, don’t take it seriously.”


“Will wait sa promise na i-produce ang SB19. We truly wanted a lot more casuals and internationals to know them and listen to their songs.”


“FYI (for your information), ‘yung shipping is delulu only ng mga A’TIN. It was just a kilig delulu (delusional) by us. But the boys are men.”


Well, sana, lahat ng fans o supporters ay ganito ka-broadminded, kesa ‘yung nagwawala kapag may negatibong nabasa o nasabi sa mga idolo nila.


 

Aysus, 'di man lang ipinaglaban… 

DATING AKTOR-BUSINESSMAN, NAKIPAG-BREAK SA DYOWANG AKTRES DAHIL SA UTOS NG PARENTS 



BLIND ITEM:  


SUPER turn-off kami sa dating aktor na negosyante na ngayon dahil hindi maganda ang trato niya sa kanyang girlfriend na aktres.


Masunurin ang dating aktor sa magulang na pati love life niya ay pinakikialaman.

Alam naming mahal ng dating aktor ang girlfriend niya, pero hindi pala boto ang magulang niya at sa katunayan ay pinahiwalay na ito, na sinunod naman.


Nakakaloka lang dahil marrying age na ang dating aktor at sinunod ang gusto ng magulang, hindi man lang ipinaglaban ang dyowa nang ilang taon?


Ang tino ng dyowa mo, huy! Maraming sakripisyong ginawa ito para lang maging karapat-dapat sa relasyon ninyo pero ano'ng nangyari?


Well, sana hindi magsisi ang dating aktor na pinakawalan niya ang babaeng tapat na nagmahal sa kanya nang ilang taon.


At para sa dyowang aktres, sana ay makatagpo siya ng tamang lalaking kaya siyang ipaglaban sa hirap at ginhawa.




0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page