ni Mary Gutierrez Almirañez | April 18, 2021
Dalawang pulis ang iniulat na namatay nang dahil sa COVID-19, kung saan pumalo na sa 18,531 ang mga naitalang kaso sa kapulisan simula nu’ng lumaganap ang pandemya, ayon sa Facebook update ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, Abril 18.
Paliwanag pa ni PNP Chief Debold Sinas, "The PNP has now recorded 51 fatalities due to Covid-19 following the death of two police officer, a 40-year-old male cop assigned in Mountain Province died due to Acute Respiratory Failure and a 49-year-old male cop assigned in General Santos City with comorbidity died due to severe pneumonia."
Sa ngayon ay mahigit 16,204 na ang lahat ng mga gumaling na pulis at 169 ang nadagdag. Umabot naman sa 2,276 ang aktibong kaso mula sa 125 na nagpositibo kahapon.
Comments