ni Jasmin Joy Evangelista | April 6, 2022

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang apat nitong kasama matapos bumangga sa flyover railings ang sinasakyan ng mga ito na Tamaraw FX nitong Miyerkules ng madaling araw sa Magsaysay Avenue sa Baguio City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Cherry Lyn Monte Sasa, 25, at Rodel Polano, 18. Sugatan naman sina Fe Serafino Trino, 25; Dariel Pacalso Soligan, 21; Jonar Talabing Taukan, 17; at Marson Anhibey Sab-it, 18.
Ayon sa pulisya, bandang 1 a.m. ay binabaybay ng mga biktima ang bayan ng La Trinidad sa Benguet nang maganap ang aksidente.
Bumangga umano sa railings ang sasakyan bago ito magpaikot-ikot.
Dead on the spot si Sasa habang namatay naman sa ospital si Polano. Ang iba pang biktima ay agad na itinakbo sa Baguio General Hospital and Medical Center at iniuwi rin sa kani-kanilang tahanan matapos bigyan ng paunang lunas.
תגובות