top of page
Search
BULGAR

2 patay, 20 nawawala sa landslide sa Japan


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2021



Dalawa na ang kumpirmadong nasawi sa landslide sa Atami, Japan noong Sabado na dulot ng malakas na pag-ulan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, sampu ang na-rescue na at aabot naman sa 20 ang bilang ng mga nawawala pa.


Sa tala ng disaster management officials ng Shizuoka Prefecture, naganap ang landslide bandang alas-10:30 nang umaga kung saan maraming kabahayan ang nasira kaya aabot sa 1,000 rescuers ang ipinadala kabilang na ang 140 military personnel.


Saad naman ni Prime Minister Yoshihide Suga sa isinagawang emergency meeting, “It’s possible that the number of damaged houses and buildings is as many as 130. I mourn the loss of life.


“This rainy-season front is expected to keep causing heavy rain in many areas. There is a fear that land disasters could occur even when the rain stops.”


Nagbabala naman si Takeo Moriwaki, professor ng geotechnical engineering sa Hiroshima Institute of Technology na posibleng magkaroon ulit ng landslide.


Aniya, “Landslides can occur again and again at the same place even if the rain stops. Residents and rescuers should remain on alert.”


Samantala, pinalikas na rin ang mga residente ng iba pang lungsod sa Shizuoka Prefecture dahil sa banta ng landslides.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page