top of page
Search
BULGAR

2 nagbebenta ng pekeng travel at medical certificate, arestado

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 6, 2021



Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang entrapment operation matapos mahuli ang mga ito na gumagawa at nagbebenta ng pekeng travel documents at health certificates, ayon sa Baguio City police.


Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Ace Codli Dicca, 25, at Wilfred Lohan Pinyuhan, 22.


Pahayag ni Capt. Marnie Abellanida, information officer ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), “Our police acted on a report about a computer center at the Central Business District that makes and sells travel documents and health certificate. They did an entrapment and they were able to get document for a fee.”


Si Dicca ang may-ari ng computer shop at attendant naman nito si Pinyuhan.


Ayon kay Abellanida, nagpanggap na kliyente ng naturang computer shop ang ilang pulis officers at nagpagawa ng medical certificate. Nakalagay din diumano sa naturang certificate ang pangalan nina City Police Director Col. Allen Rae Co at City Health Services Office Chief Dr. Rowena Galpo.


Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), required ang medical certificate at travel authority sa mga border checkpoints papasok ng Baguio City dahil sa COVID-19 pandemic. Samantala, nasa kustodiya na ng awtoridad ang 2 suspek at nahaharap sa kasong falsification of public documents.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page