ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 5, 2024

Patay ang dalawang hinihinalang rebelde mula sa New People's Army sa isang engkwentro sa mga sundalo ng Philippine Army, ngayong Lunes sa Cawayan, Masbate.
Sinabi ni Lt. Col. Louie Dema-ala, spokesperson ng Philippine Army, na nakaharap ng mga sundalo mula sa 2nd Infantry Battalion, 9th Infantry Division, ang 10 armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng Platoon 1, Komiteng Larangan Guerilla (KLG South), Sub-Regional Committee 4 (SRC4).
Gumagawa ng security operations ang mga sundalo sa Barangay Tuburan nang pagbabarilin sila ng mga rebelde ng mga alas-7 ng umaga, na nag-udyok sa kanila na tumugon nang depensibo.
Ayon kay Dema-ala, namatay ang dalawang rebelde sa engkwentro ngunit hindi pa kumpirmado ang kanilang mga pagkakakilanlan.
Samantala, patuloy pa ring hinahanap ng mga sundalo ang iba pang rebelde ng NPA na tumakas.
Comments