top of page
Search
BULGAR

2 milyon katao, na-test sa 117 COVID-19 accredited labs

ni Lolet Abania | September 7, 2020




Umabot na sa kabuuang 117 COVID-19 laboratories ang naipatayo sa bansa bilang tugon ng gobyerno sa paglaban sa nakamamatay na sakit na Coronavirus, ito ang ibinalita ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa ginanap na press briefing kanina.


"As of September 5, mayroon na po tayong 117 accredited COVID-19 testing laboratories sa buong bansa kumpara noong Pebrero na iisang accredited laboratory lang po ang mayroon tayo," sabi ni Galvez.


Gayundin, dagdag niya, umabot sa mahigit dalawang milyong indibidwal na ang na-test sa COVID-19 na naisagawa nitong nakaraang buwan.


"Sa kabuuan po, tayo ay nakapagproseso na po ng 2,772,075 test samples mula sa 2,601,281 na indibidwal. Nahigitan na po natin ang ating target na dalawang milyong tests noong nakaraang Agosto," ayon kay Galvez.


Sinabi rin niyang asahan na patuloy ang pamahalaan sa pagpapaigting ng paglaban sa COVID-19, kung saan isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang nagsabing ang Coronavirus transmission sa bansa ay bahagyang bumaba.


Ito, ani Galvez, ay matatawag na "initial success" sa pagsisikap ng gobyerno kontra sa pandemya.


"Nagbubunga na 'yung pinaghirapan natin. For the past four weeks na nagkaroon tayo ng MECQ sa NCR, talagang nagdoble-kayod po lahat ng IATF na bumaba po kami sa lahat ng LGUs," sabi ni Galvez.

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page