top of page
Search
BULGAR

2 malalakas na bagyo, tatama sa Japan ngayong Linggo

ni Thea Janica Teh | September 3, 2020




Hindi lang isa, kundi dalawang malalakas na bagyo ang pinaghahandaan ng Japan ngayong linggo.


Ramdam na sa isla ng Kyushu ang Typhoon Maysak habang ang isa naman ay inaasahang magla-landfall sa darating na weekend.


Nagbigay naman ng babala ang Japan Meteorological Agency na asahan ang malakas na

pag-ulan na maaaring maging sanhi ng mudslide at pagbaha pati na rin ang pagtaas ng alon at high tide.


Halos 100 flights ang nakansela sa airport ng Kyushu at Okinawa Prefecture at inaasahan pang magkakansela ng Huwebes nang umaga.


Suspendido rin ang bullet train services sa pagitan ng Hiroshima at Hakata station sa

western Japan sa Huwebes mula sa unang departure hanggang 8:00 ng umaga

kinabukasan, ayon sa West Japan Railway Co.


Sa ngayon, binabagtas ng Typhoon Maysak ang 100 kilometers west ng Goto, Nagasaki

Prefecture na may atmospheric pressure na 950 hectopascals at may center at wind na 216 km per hour.


Samantala, namataan naman ang Typhoon Haishen sa Pacific at papalapit na sa Mariana Island. Ito ay magdadala rin ng malakas na pag-ulan, mataas na alon at high tide.


Ito ay inaasahan na papasok sa southwestern at western Japan sa Linggo hanggang Lunes na may atmospheric pressure na 930 hectopascals.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page