ni Mary Gutierrez Almirañez | March 27, 2021
Mahigit isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang inaasahang ide-deliver sa bansa kada buwan upang makumpleto ang 25 milyong doses na in-order ng pamahalaan sa China, ayon sa pahayag ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago ‘Chito’ Sta. Romana ngayong araw, Marso 27.
Aniya, “After that, every month, ang plano ng gobyerno is roughly one to two million doses every month from Sinovac for a total of 25 million by the end of the year.”
Nauna nang dumating ang donasyong 600,000 doses ng Sinovac noong Pebrero at sinundan ng 400,000 doses nitong ika-24 ng Marso.
Inaasahan namang darating sa Lunes ang biniling 1 milyong doses na bakuna upang iturok sa mga frontliners at mga susunod na prayoridad sa listahan.
Bukod dito, mahigit 525,000 doses ng AstraZeneca na rin ang dumating sa bansa.
Sa ngayon ay Pfizer-BioNTech, Sputnik V, AstraZeneca at Sinovac pa lamang ang mga bakunang aprubado ang emergency use authorization (EUA).
Comments