top of page
Search

2 LPA at Habagat, magpapaulan sa bansa

BULGAR

ni Lolet Abania | October 11, 2020




Dalawang low pressure areas (LPA) at Southwest Monsoon (Habagat) ang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, ayon sa forecast ng PAGASA.


Makararanas ang Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at BARMM ng maulap na papawirin, kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat na may posibilidad ng pagbaha o landslides sa mga lugar na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.


Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan dahil sa habagat at localized thunderstorms. Pinapayuhan ang mga residente sa mga pagbaha o landslides sa matinding thunderstorms.


Namataan ang isang LPA sa bahagi ng Conner, Apayao, habang ang isa pang LPA ay tinatayang nasa layong 840km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, dakong alas-3 ng madaling-araw kanina.


Makakaapekto ang habagat sa Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.


Gayundin, minomonitor ng PAGASA ang Severe Tropical Storm Chan-Hom na matatagpuan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Matatagpuan ang sentro ng Chan-Hom 2,185 km hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.


Magiging mapanganib sa katubigang baybayin ng Extreme Northern Luzon na aabot ang taas ng pag-alon sa 4.5 metro.


Para sa karagatan ng Visayas at ibang bahagi ng Luzon, katamtaman hanggang sa mataas na pag-alon na aabot sa 2.8 metro.


Gayunman, ang coastal waters ng Mindanao ay magiging bahagya hanggang sa katamtaman lamang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page