top of page
Search
BULGAR

2 klinika, ipinasara sa ilegal na RT-PCR testing

ni Lolet Abania | January 31, 2021




Dalawang medical clinics ang ipinasara matapos na maiulat na nag-aalok ng RT-PCR test nang walang lisensiya bilang accredited COVID-19 testing facility sa Valenzuela City.


Sa inilabas na Executive Orders No. 015 and 016 Series of 2021 ni Mayor Rex Gatchalian, agad ipinasara dahil sa walang license to operate at sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. sa Barangay Karuhatan.


Naging batayan ng pamahalaang lungsod para sa pagsuspinde ng business permit ang paglabag sa iniisyung Mayor’s Permit, Waiver/Undertaking, Consumer Rights, at provision ng Local Government Code on General Welfare.


Lumabag din sa mga probisyon ng RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act ang Bestcare Medical Clinic matapos na hindi makapaglabas at maiulat ang COVID-19 test results.


Ayon pa kay Gatchalian, effective immediately ang ibinabang closure order para sa dalawang klinika.


Patuloy namang pinapayuhan ng alkalde ang mga residente ng Valenzuela na maging maingat at mapanuri sa mga klinika o laboratoryo na nag-aalok ng kanilang serbisyo at mga COVID-19 testing facility para lamang makapanloko.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page