ni Mary Gutierrez Almirañez | March 17, 2021
Dalawang kaso ng P.3 variant ng COVID-19 ang naitala sa United Kingdom, kung saan unang na-detect sa Central Visayas noong nakaraang buwan, ayon sa datos ng UK Health Department ngayong araw, Marso 17.
Anila, "One of the cases is linked with international travel and the other is currently under investigation. All appropriate public health interventions are being undertaken."
Nauna nang inulat na nakapasok na rin sa Japan ang P.3 variant mula sa isang biyahero galing ‘Pinas.
Giit naman ng Department of Health (DOH), ang P.3 variant ay mula sa lineage ng P.1 o ang variant na na-detect sa Brazil, kung saan idinepensang hindi ito ang variant of concerned na dapat katakutan.
Sa ngayon ay umabot na sa 98 ang aktibong kaso ng P.3 variant sa bansa. Ang naturang variant ay itinuring na mutations ng E484K at N501Y mula sa orihinal na variant ng South Africa, Brazil at UK.
Comments