top of page
Search
BULGAR

2 KAPATID NI AICELLE, NAKALIGTAS SA KAMATAYAN DAHIL SA HIMALA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 10, 2024



Photo: Aicelle Santos sa Isang Himala - IG

 

Naniniwala si Aicelle Santos sa himala dahil nasaksihan daw niya ito mismo sa kanyang pamilya. 


Kaya naman malapit na malapit daw sa kanyang puso si Elsa, ang karakter niya sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Isang Himala (IH).


Sa grand media launch ng movie na ginanap recently ay ikinuwento ng singer ang dalawang himala na ipinamalas ng Panginoon sa kanyang pamilya.


“Meron akong kapatid na 21 years old, isa na siyang cancer survivor. So s’ya po ay pinagaling ni Lord sa stage 2 lymphoma (cancer of the blood),” kuwento ni Aicelle.


“Pero towards the 6th month of our chemotherapy, inatake naman sa puso ‘yung 19-year-old brother ko. And ito po ‘yung case ng myocarditis (inflammation of the heart muscle),” patuloy niya.


Humina raw ang pintig ng puso ng kapatid niya at nameligro na ang buhay. Tinapat na rin daw sila ng doktor that time.


“Kung ang beats per minute (ng heart) natin ay 80-100, sa kanya, naging 20 beats per minute. So, sabi sa ‘kin ng doktor, nanganganib na raw siya,” kuwento ni Aicelle.


Pinapipirma na raw sila ng waiver sa hospital at umiiyak na raw ang kanyang ina.


Pero matibay na matibay daw ang paniniwala niya sa Panginoon na mabubuhay ang kapatid niya. ‘Yun lang daw talaga ang kinapitan niya noong panahong ‘yun.


“I prayed over him (her brother), dito sa puso niya, and then, ‘In the mighty name of Jesus, you are healed.’ Wala pa siyang malay noon,” aniya.


Matapos daw niyang ipagdasal ang kapatid ay na-witness niya kung paano dumilat ang mata nito.


“Right there and then, I witnessed a miracle, bumuka po ang kanyang mata. Ang mommy ko, tumigil sa pag-iyak,” lahad pa ng singer.


Bagama’t sinasabi ng mga churchmate niya na siya ang nagpagaling sa kanyang kapatid, ang lagi naman daw niyang isinasagot ay si Lord ang nagpagaling at hindi siya.


“Kaya po, totoong may miracle. Kaya si Elsa, naniniwala sa miracle ‘yan, naniniwala rin ako sa miracle,” sambit niya.


Isang miracle rin daw for her ang pagdating sa kanya ng proyektong Isang Himala na hango sa classic 1982 film ni Superstar Nora Aunor na Himala.


Nagsimula bilang isang musical play ang IH noong 2018, kung saan nga unang ginampanan ni Aicelle ang iconic role na Elsa. Ngayon ay isa na itong pelikula at kasali pa sa 50th MMFF mula sa direksiyon ni Pepe Diokno.


Written by National Artist Ricky Lee, the writer of the original masterpiece, bibigyan ng IH ng bagong buhay ang kuwento ni Elsa. Kasama rin sina Bituin Escalante, Kakki Teodoro and David Ezra among others, magsisimula itong mapanood simula sa December 25.


 

Proud na proud at masayang-masaya si Janella Salvador sa kanyang latest achievement in her career.


Kinilala lang naman siyang Southeast Asian Best Actress Top 10 ng Asia magazine sa Malaysia.


Nagpunta mismo si Janella sa Malaysia para personal na tanggapin ang kanyang award sa ginanap na Top Asia Corporate Ball 2024.


Sa kanyang Instagram (IG) account ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan ng pagtanggap niya ng award kasabay ng pagpapasalamat.


“An absolute honor it is for me to be recognized as Top 10 of Asia’s Southeast Asian Best Actress - THANK YOU,” pahayag ni Janella. 


“I have always just hoped to touch people through my art and would like to share this award with all of the hardworking people I’ve worked with on and off cam. Here’s to Philippine cinema reaching wider audiences!!!!” sey pa ng aktres.


Ngayon ay may title na ring maipagmamalaki si Janella Salvador na deserve naman niya dahil matagal-tagal na rin siya sa industry at pinaghirapan niya kung nasaan man siya ngayon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page