ni Madel Moratillo | March 23, 2023
Sa Kamara, muling isinusulong ang Menstrual Leave Act.
Sa ilalim ng House Bill 7758 na inihain ni Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas, magkakaroon ng 2 araw na paid menstrual leave ang isang empleyado.
Exempted sa panukala ang mga buntis at nagme-menopause na.
Ayon kay Brosas, ito ang laging pangamba ng mga kababaihan dahil kung hindi sila papasok, wala silang sweldo o baka maharap sa disciplinary action.
Kailangan aniyang mabigyan ng suporta ang mga kababaihan na hindi na kailangang mangamba tuwing dumarating ang buwanang dalaw at nakakaramdam ng mga sintomas na kaakibat nito.
Ayon sa mambabatas, sa Japan, South Korea, Taiwan, Indonesia, at Spain ay mayroon ng menstrual leave.
Dito sa Pilipinas, partikular sa La Union at bayan ng Tangalan sa Aklan ay pinapayagan ang isang government employee na mag-work from home sa loob ng 2 araw sa panahon ng menstruation nito.
コメント