top of page
Search
  • BULGAR

2 beses nang naudlot… KASALANG ANGELICA-GREGG, MAY 20, 2024

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 5, 2023



Matapos ma-engaged last year, inanunsiyo na ni Angelica Panganiban ang upcoming wedding nila ng fiancé na si Gregg Homan.


Ginawa ng engaged couple ang announcement sa kanilang You Tube channel na The Homans.


Ani Gregg, “We were going to get married last year, pero we wanted to make Bean a part of it.”


Si Baby Bean or Amila Sabine ang kanilang anak na ngayon ay malapit na ring mag-one year old sa September.


“So, we are going to do it early next year. We are looking at places locally to do it. But I am excited for it,” dagdag ni Gregg.


Sey naman ni Angelica, dalawang beses na raw na-postpone ang kanilang wedding.


“Parang twice na naming inurong ‘yung wedding. Last year and this year, dapat aalis tayo.

Ilang beses naming sinubukang mag-elope, pero parang ayaw ng mundo na itago namin.

Malakas magdasal ‘yung mga kaibigan and family members namin. So, ngayon, mukhang matutuloy na siya,” tsika ni Angelica.


Meron na raw silang date at ipinaalam na rin nila ito sa kanilang mga kaanak at kaibigan.


“Meron na kaming save-the-date, sinabi na namin siya sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila, makapag-ipon na.


“Sa mga friends namin na sobrang busy ‘yung schedule nila sa life, marami silang commitments, inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na iyon,” pahayag ng aktres.


Natawa naman si Gregg nang sabihin ni Angelica na “So, finally pakakasalan ko na ito kasi talagang dead na dead sa akin. Pagbibigyan ko lang ng isang malakasan.”


Bagama’t hindi sinabi ng dalawa ang date ng wedding, ayon kay Angelica ay may clue naman silang ibinigay kaya ang mga tao na raw ang bahalang mag-figure out dito.


Sa isang bahagi ng vlog ay nabanggit kasi ng dalawa ang kahalagahan ng oras na 5:20 PM na laging oras ng pag-upload nila ng video sa kanilang channel. Ito raw ang exact time na tinanggap ni Angelica ang proposal ni Gregg.


So, ang hula ng mga netizens ay sa May 20 sa susunod na taon ang kasal nina Angelica at Gregg.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page