top of page
Search
BULGAR

2 beses nang naudlot ipalabas, na-bad trip na, Kim… PAULO, NAGBANTANG ‘DI TATAPUSIN ANG MOVIE

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 11, 2025





May kinalaman sa change at pagka-move ng playdate ng pelikula nila ni Kim Chiu na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) ang controversial tweet ni Paulo Avelino na, “Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula.”


Hindi naman siguro galit si Paulo sa tweet (sa X) niyang ito dahil laughing emoji ang ginamit na at the same time, lumuluha. Baka disappointed lang ang aktor dahil twice nang na-move ang playdate ng first movie nila ni Kim.


Unang announced playdate ay October, 2024, naging February 12, at ngayon, April, 2025 naman daw ang playdate as announced by SM Cinemas. 


Mas nagalit ang mga fans dahil may mga naka-schedule na silang block screenings at may mga OFWs na uuwi ng bansa just to watch the movie at makasali sa malawakang promo.


“Nakakainis talaga,” “‘Wag naman po,” “Papi, noooo!,” “Love na love namin kayo ni Kim,” “Andito kami para sa inyo ni Kim. Suportahan namin kayo kahit ano’ng month or year pa i-release ang movie,” ang ilang comments na mababasa.


Kung disappointed man si Paulo sa change of playdate, mukhang malalim ang disappointment dahil dinelete nito sa kanyang IG ang post ng Star Cinema patungkol sa MLWMYD. Pero sa IG ni Kim, makikita pa rin ang post niya tungkol sa kanilang movie.


Ang tanong, totoo bang in-unfollow nina Paulo at Kim ang Star Cinema dahil sa isyung ito?


 

Anak na si Iñigo, nag-post sa socmed…

BAHAY NG PAMILYA NI PIOLO SA USA, DAMAY SA MALAWAKANG SUNOG



Kabilang si Iñigo Pascual at ang pamilya nito sa mga naapektuhan sa malawakang sunog sa Southern California. Sa Instagram (IG) Story nito, ipinaalam na ligtas sila ng kanyang pamilya, pati nga ang mga fur babies nila.


Pahayag niya, “Thanks to everyone that’s checked in. Haven’t been able to respond to all the messages. My family evacuated where we live last night and everyone is safe including our furry fam members.


“Praying and claiming for this to end soon. Sending prayers to everyone in LA, esp (especially) to those who lost their homes.


“If you’re in LA, please stay alert: the Fires just seem to pop out of nowhere.”


Siguradong nabahala si Piolo Pascual sa kanyang pamilya at ang alam namin, nasa California rin ang mom niya, kapatid, mga pamangkin at si Iñigo nga.


Grabe nga ang sunog sa LA, walang pinatawad, milyones na bahay ng mga celebrities

ang inubos at talagang walang itinira. 


May napanood kaming video ng wife ng singer na si John Legend na umiiyak habang nag-eempake. 


Ang maganda lang sa mga celebrities, may mga pera sila at madali sa kanilang makabili ng bagong bahay.


 

HINDI pa rin pala naibebenta ang beach house ni Pokwang na nasa Mariveles, Bataan. Muli nitong ipinost na for sale ang nasabing bahay at hindi na raw kailangan ng agents, direct buyer only.


For sale for P25 million ang bahay at puwede pang babaan. Three-storey ito with four bedrooms, semi-furnished pa at may swimming pool. 


Ginawa ang bahay na maayos pa ang relasyon ni Pokwang sa ex niya at ibinebenta na nu’ng maghiwalay sila. Ayaw daw niyang maalala ang ex niya, kaya ibinebenta na lang niya. Saka, may bagong beach house si Pokwang sa Batangas.


“Benta n’yo na ‘to or papagiba ko na lang,” biro ni Pokwang sa mga taong pinagkatiwalaan niyang magbenta ng house.


 

NAKAKA-DALAWANG cryptic posts na si Sanya Lopez na pinipilit ng mga netizens na patungkol daw sa breakup ni Barbie Forteza at ng kapatid niyang si Jak Roberto.


Sey niya, “KARMA SAYS, God removes people from your life Because, He heard the conversations that you didn’t hear.”


‘Yun ang unang post ni Sanya na ipinag-react ng mga netizens at sinundan ng isa pa na ipinost niya sa TikTok.


Aniya pa, “I’m not interested in other people’s lives, because I have my own life.”

Ano sa palagay ninyo? Tungkol nga ba ito kina Barbie Forteza at Jak Roberto?


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page