2 bagyo, hahataw ngayong Disyembre — PAGASA
- BULGAR
- Dec 1, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | December 1, 2023

Ayon pa sa PAGASA, may maaaring mamuong dalawang tropikal na bagyo sa loob o pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Disyembre.
Matatandaang may tumamang bagyon nu'ng nagdaang Disyembre, sa bandang Eastern Visayas at Caraga.
Maaari namang maranasan sa Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro ang tagtuyot bago matapos ang taon dahil sa El Niño, batay sa ulan na natanggap nu'ng Hulyo hanggang Nobyembre.
Magkakaroon ng maayos na panahon ngayong weekend sa bansa, ayon sa forecaster ng PAGASA na si Robert Badrina nitong umaga ng Biyernes.
Magdadala ang Amihan ng maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Apayao, Isabela, at Aurora.
Maari namang magkaroon ng ilang magaan na pag-ulan sa Ilocos Region at sa iba pang bahagi ng Cordillera, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Pinagbawalang lumayag ang malilit na bangka sa karagatan ng Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte dahil sa malalaking alon dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa, magiging mainit at maalinsangan na may posibleng mga pag-ulan na may kasamang kidlat, at pag-ulan naman sa hapon at gabi.
Sa pagdating ng weekend, inaasahan na ang limitadong epekto ng Amihan sa Northern Luzon at magpapatuloy sa pagdala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley.
Samantala, magiging maalinsangan at may mga pag-ulan na may kasamang kidlat at pag-ulan sa hapon o gabi sa ibang bahagi ng bansa sa weekend na ito.
Comments