top of page
Search

2 ang anak na magkaiba ang tatay… VILMA: WALANG SINUMAN ANG PUWEDENG HUSGAHAN AKO

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 30, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto - FB


Sa dinami-rami ng mother roles na ginampanan ni Star for All Seasons sa kanyang mga pelikula, ang kanyang karakter pala bilang si Lea sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ang nai-apply niya in real life bilang ina nina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.


Sa movie, may dalawang anak si Lea mula sa magkaibang lalaki, kaya naka-relate si Ate Vi dahil in real life, open book naman ang pagkakaroon niya ng dalawang anak na magkaiba ang tatay.


“Alam naman natin na si Lucky ay anak ni Edu Manzano at si Ryan ay anak ni Ralph Recto. Pero walang kahit isa sa inyo ang puwede akong husgahan, you get me? (Kung) ano'ng klase akong babae o bakit dalawa ‘yung ama ng mga anak ko. Because you don't know me. Hindi mo dinadaanan ang klase ng buhay na meron ako. So don't be judgmental,” ani Ate Vi na pinalakpakan ng mga press people at mga estudyante ng University of Sto. Tomas sa ginanap na talk back na tinawag na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Restropective) last Nov. 27.


Tama nga naman si Ate Vi, sino ba tayo para humusga sa buhay niya na wala pa yata sa kalahati ang alam ng publiko sa totoong buhay niya sa likod ng camera.

At ang talagang ikabibilib mo kay Ate Vi bukod sa kanyang pagiging icon na sa industry ay ang pagiging ina niya dahil sabi nga ng Star for All Seasons, sa lahat ng roles na ginagampanan niya bilang aktres, public servant at kung anu-ano pa, pinaka-una at importante pa rin sa kanya ang pagiging ina.


Maayos na napalaki ni Ate Vi ang dalawa niyang anak, na ngayon nga ay na-inspire na rin sa pagiging public servant niya kaya papasok na rin sa pulitika sina Luis at Ryan Christian bilang vice-governor at congressman respectively ng Batangas.


At payo nga ni Ate Vi kina Luis at Ryan, ‘wag daw papasok sa pulitika kung hindi 100% buo ang kanilang puso sa paglilingkod dahil hindi raw ganu'n kadali at kasarap ang buhay ng isang public servant kahit pa priceless din naman ang respetong ibinibigay sa kanya ngayon ng mga taga-Batangas dahil sa magandang record na naitala niya sa kanilang lalawigan sa loob ng 24 yrs. niyang paglilingkod.


Sa kanyang pagbabalik sa Batangas, gustong alalayan ni Ate Vi ang kanyang mga anak na nakikita niyang tulad niya ay all-out ang magiging paglilingkod dahil bata pa raw ang mga ito, talagang iminulat na niya sa pakikisalamuha sa mga kababayan nila.


 


Maraming nakapansin na sa ginanap na reunion dance concert ng Streetboys last Nov. 8 sa New Frontier Theater ay parang ‘di tumanda si Danilo Barrios.


Looking fresh pa rin ito at napaka-energetic kumilos na parang hindi napahinga sa pagsasayaw. 


Kaya naman, isa pa rin si Danilo sa mga tinitilian ng fans kahit sabihin pang ang dami nang bagong aktor-dancer ngayon. Ang lakas kasi ng karisma niya na nakakakonek sa mga manonood.


Nag-throwback pa nga ang ilang fans nu'ng kasikatan ng Streetboys nu'ng ‘90s at wala pa ring ipinagbago si Danilo, lalo na ‘yung vibrant energy niya, kaya age is just a number lang talaga.


Ano'ng sikreto ng pagiging young-looking ni Danilo? 


Well, ina-attribute niya ‘yun sa kanyang passion for dance, his commitment to fitness and most importantly, his unwavering enthusiasm for life.


Hindi lang kasi dancers ang Streetboys, entertainers din sila na lalong nagbibigay sa kanila ng energy na ipagpatuloy ang pagpapasaya ng mga tao.


At para makatulong sa kanyang healthy lifestyle, malaking bagay ang pag-take ni Danilo ng Biomax daily kasama ang regular exercise and fitness routines.


Kaya naman hanggang ngayon, always on the go pa rin si Danilo at kayang-kaya pang humataw sa sayaw at sa mga hamon ng buhay.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page