2 anak, nagka-COVID… OGIE, KINALAMPAG ANG DEPED AT CHED
- BULGAR
- Sep 24, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 24, 2022

Hindi pa rin talaga safe ang face-to-face classes ngayon lalo’t may direktiba na voluntary na lang ang pagsusuot ng facemask.
Eh, alam naman natin ang mga estudyante, hindi lahat ay responsible sa pagsusuot nito lalo na ‘yung mga bata na tinatanggal nila dahil naiilang pa sila. Sa mga college students naman ay may mga nakikita rin kaming tinatanggal na ang facemask.
Samantala, inamin ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na isa sa mga anak niya ay nag-positive rin pero clear na ngayon.
Base sa post ni Ogie sa kanyang Facebook page kahapon, “Dami palang naka-cancel na face to face classes, dahil puma-positive ang maraming guro at estudyante.
“‘Yung isang anak ko, two weeks online muna sila lahat; ‘yung isa namang anak ko, ganu'n din, pareho rin ng rason. Ano na ba ang update sa cases?
“May aksiyon na ba ang DepEd dito o ang CHED o bahala na ang mga eskuwelahang mag-decide?
“Sana, maramdaman din natin ang pagkilos dito ng mga inaasahan nating tao, bukod sa pagkilos ng sariling pamilya ng mga estudyante at guro.
“Ma-bash na naman kaya ako nito ng mga paid trolls?”
Samantala, bago lumipad si Ogie kasama ang co-host niya sa Showbiz Update vlog na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh patungong Australia this week para sa kanilang much-awaited show doon ay may BingoPlus event siya ngayong gabi, 7 PM-9 PM.
Gabi ng kulitan, tawanan, non-stop papremyo at unli sing-along sa mga bisitang celebrity artists ang mapapanood.
Tampok sa BingoPlus ang first female celebrity endorser na si Maine Mendoza.
Aawit naman sina Morissette at Gloc 9. Makikipagbardagulan din ang Beks Batallion.
Si Ogie Diaz ang main host ng BingoPlus Day 2 kasama sina Lance Edward at Verna Perwinkle.
Abot sa P200,000 worth of cash prizes ang kanilang ipamimigay sa masusugid nilang online viewers!
Comments