ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 09, 2023

Ikinasal na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz fiancé na si Philip Evangelista. Described as “backyard wedding,” ginanap ang kanilang pag-iisang-dibdib nitong Sabado, October 7, 5 PM sa The Bevin House in New York.
Ibinahagi ng The Scoop at entertainment editor na si Salve Asis ang mga videos and photos sa naturang kasalan.
“Mr. & Mrs. Evangelista. Kasal na si LJ Reyes sa non-showbiz guy na si Philip Evangelista. Ginanap ang kasalan 5 AM PH time pero 5 PM New York time.
“Ang mga ‘di raw naka-attend na family members ay nanood lang via live streaming kanina.
“Wala rin daw halos entourage, ayon sa isang source. Nag-flower girl lang po 'yung anak ni LJ na bunso, sumunod si Aki, then 'yung anak na ni Phil. And sunod na si LJ,” ang caption ni Salve sa kanyang post.
“IN GOD'S MOST PERFECT TIME. LJ Reyes is now married to her non-showbiz fiancé Philip Evangelista. Congratulations, Mr. and Mrs. Evangelista!” caption naman ng The Scoop sa kanilang Facebook post.
Mapapanood sa mga videos ang bridal walk ni LJ, ang exchange nila ng “I do’s” at ang reception afterwards.
Makikita rin ang larawan ng anak nina LJ at Paolo Contis na si Summer Ayanna bilang flower girl.
Ang ganda-ganda naman ni LJ sa kanyang strapless wedding gown at halatang very happy siya.
Matatandaang inanunsiyo ng aktres ang kanyang engagement kay Philip noong nakaraang Mayo, 2023.
Comments