ni Nitz Miralles @Bida | November 23, 2023

Naisahan ni Ruffa Gutierrez ang mga netizens nang i-off ang comment box ng Instagram post niya tungkol sa binyag ng anak ng brother niyang si Rocky Gutierrez. Ang dami pa namang ipinost na photos si Ruffa sa nasabing okasyon na siguradong mag-e-enjoy sa pagko-comment ang mga netizens, kaya inunahan na sila ni Ruffa.
Makikita kasi sa photos na wala si Sarah Lahbati sa masayang okasyon ng Gutierrez family. Sa isang larawan, kasama nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang kanilang mga anak at sina Tonton Gutierrez at wife nitong si Glydel Mercado. Kasama rin sa photo si Ramon Christopher at mga anak na sina Jessica at Maxine.
Sa isa pang litrato, kasama ni Ruffa at ng mga kapatid si Herbert Bautista at pati sa Sanctuario de San Antonio Forbes Park kung saan ginanap ang binyag, kasama rin si Herbert. Baka nga ninong pa ito at dahil ninang si Ruffa, baka magkumpare-kumare pa sila.
Wala nga si Sarah sa maraming pictures na ipinost ni Ruffa at ang present ay si Richard Gutierrez at ang dalawa nilang anak. Siguro naman sa Christmas and New Year, makakakita na tayo ng larawan na magkasama sina Richard at Sarah with their two sons.
Comments